◟✦✩‧305
໒꒱₊˚✧
Inabot na ng tanghali sila Kenrick at Cyrus sa pagtitingin ng mga gamit ni Cyrus. Hindi dahil sa madami ito kundi dahil ang daming tanong ni Kenrick sa bawat gamit ni Cyrus na nakuha atensyon niya kaya napapakwento yung isa. Kenrick wanted to know more about him kaya tanong siya ng tanong. Yung buhay nito nung high school at college gusto niyang malaman lahat. Cyrus did the same to him before nung hindi pa sila. Lagi ito nagtatanong tungkol sa buhay niya nung high school at college. He barely had any social life nung high school at college. Madalas school at bahay lang siya. Not until he started dating Xyrus. Kahit buhay niya kasama si Xyrus ay nakwento na niya. Madami rin kasing tanong si Cyrus patungkol sa kanila. Natatawa nga siya kasi magtatanong si Cyrus tapos biglang magseselos. Naiintindihan niya rin naman. If it were him, he’ll probably feel the same. Swerte lang talaga siya na walang naging karelasyon si Cyrus dati at siya ang unang nobyo nito.
“Babi, kahit nung college ka wala kang naging crush?” Kenrick asked.
“Hmm… wala ehh. Locked in ako sa pag-aaral nun.”
“So, since elementary until college wala kang naging crush talaga?”
Cyrus nodded.
“Well, if you consider me being mesmerized sayo nung high school then ikaw lang naging crush ko nung nag-aaral pa ko.”
“That doesn’t count. Namangha ka lang naman sa pagkanta ko nun.”
“You still made my heart skip a bit. Like how you did when I met you again sa cafe bar.”
Saglit namang napatigil si Kenrick sa pagtingin sa mga gamit ni Cyrus dahil bigla niyang naalala yung unang beses niyang nakita si Cyrus sa resto bar. Thinking back, going to that resto bar wasn’t planned. Wala lang silang choice kaya dun sila napadpad. Maybe Cyrus was right. Maybe they were really destined for each other. They did not only met once but they met twice in two different eras of their life.
“Alam mo babi kahit di tayo friends sa fb, magkikita parin talaga tayo dun sa cafe bar.”
“But us being friends sa facebook still played a big part. Kasi I got more hooked sayo nun kasi I had a gut feeling na ikaw yung Kenrick na palaging minemention ako sa facebook.”
“So, if it weren’t because of that, you wouldn’t be that interested in me?”
"I would still be of course. But that helped me confirm it was you na nandun sa banyo ng cafe bar."
"Huh? Sa banyo ng cafe bar?"
Bahagyang tumawa si Cyrus nung maalala niya ang unang encounter nila sa cafe bar.
"Yeah. Hindi mo na maalala? Nasa banyo kayo ni Bee tapos ang ingay ni Bee. Sa sobrang lasing niya akala niya dalawa na yung ano niya."
Napakunot ang noo ni Kenrick at pilit niyang inalala ang araw na yun. He was too drunk that night to remember kaya kahit anong pilit niya wala talaga siyang maalala.
"Wala akong maalala."
"I'm not surprised. Lasing ka nun ehh. Buti na lang si Kuya Maxi hindi kaya after kitang bantayan siya nag-asikaso sayo."
"Shet. Bakit di ko maalala yung nangyari sa banyo pero naaalala ko yung nangyari sa labas ng cafe bar?"
"Siguro kasi nawala na tama nung alak sayo nung nasa labas tayo nun."
"Siguro nga. Kaya pala sinundan mo ko nun at kinukulit kasi alam mong ako si chimken."
"Yes, exactly."
"Gagawin mo ba yun kung hindi ako si chimken?"
"Siguro hindi ganun kakulit. But I'll probably find a way to get to know you."
Bahagya namang napatango si Kenrick.
"Okay. So, us being friends on facebook really played a big role sa relationship natin."
"It really does. Kaya thankful ako sa high school self ko na inadd kita agad nun. Kasi kung hindi dahil dun we wouldn’t be where we are right now."
"That's true. I'm thankful to myself too for being lazy to even care about my facebook friends list, and for mistakenly mentioning you a couple of times sa mga post ko."
Pareho naman silang natawa.
"Babi, I'm curious. Hindi mo ba talaga napapansin na maling name napipindot mo? I mean, after typing di mo ba binabasa ulit tinype mo?"
"I do, but my eyes were always full of tears to see clearly. Then, after I post it I wouldn't look at my phone for at least an hour kasi iiiyak ko muna yung lungkot at pagka-miss ko kay Xixi. I didn't bother to delete those posts too kasi nakita mo naman na kaya ineedit ko na lang."
"Ahhh... kaya pala. You really loved him that much. To be honest, I'm surprised na nagawa mo 'kong mahalin."
"Ako rin sa totoo lang. Di ko inaasahan na mahuhulog loob ko sayo in just a few months. Alam mo ba, I felt so guilty nung napapansin kong iba na nararamdaman ko sayo. Kaya I kept on denying it. Pakiramdam ko kasi I was cheating on Xixi at maling may maramdaman ako para sa ibang tao. Pero nung hindi ko na talaga mapigilan nararamdaman ko para sayo I told myself I'll end things with Xixi to give myself peace and him as well. I want to start fresh and acknowledge the feelings I have for you. I want to be free from all the pain and longing from the past. 'Cause if I don't and still kept pushing you away, I know I'll badly regret it. Di ko alam kung anong hokus pokus ginawa mo sa 'kin para mahulog ako agad sayo."
Tulalang napatitig si Cyrus kay Kenrick habang nagsasalita ito. Hindi niya alam kung ano magiging reaksyon niya sa lahat ng sinabi nito kaya natahimik na lang din siya. Hindi rin naman natigil doon ang pagsasalita ni Kenrick. Mukhang lahat ng tinatago niya sa sarili niya ay kusa nang lumalabas ngayon.
“Alam mo mas mabilis akong nagkagusto sayo kesa kay Xixi. Wala pa tayong kalahating taon magkakilala pero nagustuhan na kita tas wala pang isang taon naging tayo na. Honestly, nabibilisan talaga ako. Pero sabi nga ni Jolina, kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito.”
Kenrick laughed and Cyrus did too. Kenrick cringed as he said that but it’s true. Nung di na talaga niya mapigilan pagtibok ng puso niya kay Cyrus hindi na niya napigilan sarili niya.
“As cringe as it may sound, but it’s true. The moment my heart skipped a beat for you so badly, I wasn’t able to stop myself from acknowledging and following it. Xixi might be my first love but you, babi, is my one and only great love.”
Tears were already welling up on Cyrus’ eyes. He wasn’t ready for this sudden confession from him. This is the first time Kenrick really opened up about his thoughts and feelings for him, so this means so much to him. This really gave him great assurance that Kenrick loves him genuinely, greatly, and fondly. Mag-dradrama na sana siya at yayakapin ito pero nagpatuloy ulit sa pagsalita si Kenrick.
“Pero babi, bakit may love letters kang nakatago rito? Bakit nakatago mo parin ‘to?”
Agad namang napalitan ng gulat at pagtataka ang ekspresyon sa mukha ni Cyrus. Mabilis na umurong ang pagbagsak ng mga luha niya at mabilis niyang kinuha yung hawak na mga envelope ni Kenrick para tignan 'to. Hindi niya alam kung sino nagbigay sa kabya ng mga sulat na 'yon at kung bakit naitago niya 'to.
"I don't remember who gave these nor why I have them kept, babi. Siguro nilagay ko lang sa bag ko tas di ko na tinignan ulit and mom set them aside."
"Mukhang di pa nga bukas mga yan. Grabe ka, babi. Di mo man lang binasa."
"I told you puro aral lang talaga ako dati atsaka banda. I didn't mean to forget them."
"Akin na. I'm curious sa mga love letter na binigay sayo. Basahin ko."
"Ha? Bakot? Wag na, babi."
"Amin na. Let me read them."
Agad na kinuha pabalik ni Kenrick yung mga sulat at wala naman nang nagawa si Cyrus. Napabuntong hininga na lang siya at kabado siyang naghintay sa mababasa ni Kenrick. Unang binasa ni Kenrick yung letter na may kiss mark sa likod tas nakasulat pangalan ni Cyrus. Bahagya siyang napangisi habang pinagmamasdan yun bago niya ito binuksan at binasa.
"To Chanyeol Cyrus Park. Wow. Buong pangalan. This is my first time writing a love letter to someone. I heard kasi some girls are giving you love letters kaya I figured to give you one rin." Kenrick paused for a minute and smiled as he shook his head. "Grabe, babi. School heartthrob ka talaga."
Mas lalong nakaramdam ng hiya si Cyrus. Since high school up to college lagi na siyang tinatawag na school heartthrob o campus crush dahil madami ang nagkakandarap sa kanya lalo na he plays in a band.
"Do you really have to read the letter out loud?"
"Oo naman. Para alam mo sinulat sayo. Let me continue." Kenrick cleared his throat then continued reading the love letter on his hand.
Napapangiti si Kenrick habang binabasa ito. Walang nagawa si Cyrus kundi ang mahiya at matahimik habang nakikinig lang dito. Nung natapos si Kenrick magbasa ay inasar-asar niya si Cyrus. Hinayaan na langnaman siya nito kasi wala rin siyang masabi rito.
"Ikaw ba? Hindi ka nakatanggap ng love letter nung nag-aaral ka?" biglang tanong ni Cyrus.
Natigil sa pag-asar si Kenrick at bigla niyang naalala yung mga panahon na binibigyan siya ng love letter ni Xyrus. The long thinking and silence already gave Cyrus a hint of the answer to his question. But he still waited for Kenrick to answer it. He wanted to see what he would say. It took about a minute before Kenrick spoke.
"I did. A lot of it," he answered while looking down.
His lips were curled into a small smile while remembering those days, those good old days when Xyrus wrote him love letters every day without fail. It only stopped when he went abroad, but Xyrus still sent him virtual love letters via email until the accident happened.
Cyrus was afraid to ask who gave him love letters. He already knew who it was, but hearing it from Kenrick would confirm his guess.
Kenrick let out a sigh and smiled as he lifted his head to look into Cyrus’s eyes.
"Let's continue checking and packing up your things later, babi. Tapos na siguro magluto ng lunch sila manang. Kain muna tayo."
Bahagyang nagtaka si Cyrus na pinutol na dun ni Kenrick ang usapan nila. Hindi naman na siya nagpumilit at hinayaan na lang si Kenrick na hilaan siya pababa sa may kusina. If he didn’t want to talk about it further, then he’d let him be.